May 21, 2009

Copenhagen St.

Eto ay mula sa isang mensahe na natanggap ko mula kay
Bb. Sunshine Arcilla, isang malapit na kaibigan.

"Om is my kinakapatid.My childhood friend till now of course.WE were neighbors,b4.Bakod lang namamagitan samin!DUn nag chichikahan ang mga mudrax namin pagkatapos mag sampay ng nilabhan! he3. Om was the darling of the crowd then. An entertainer in so many ways! The very first to own an atari in the block! Bonga diba? And does things in style, pati pag-swimming sa baha, naka fliipers & snorkle! laban? he3.Magkasama kami sa lahat ng bagay noon, sa pag akyat sa punong aratelis, sa pagawa ng gumamela bubbles, sa pag iipon ng uod galing sa puno ng santol nila, pag sisid sa court para makahuli ng butete, sabay din kami pinapalo pag umuuwi kaming wala nang sinelas kasi di na namin mahanap sa putik sa "hundred islands" haha...sabay sa pagnood ng bioman at pinaka hihintay ang kwento ni kuya bodgie! So nice to know were still friends. With so much happy memories, na masarap balik balikan! Best of luck on your goals, keep up the good work, your my inspiration , malay mo makaya ko! haha...di na ata kaya ng luck ito! hehe..Lufshoo po! God Bless!"



Nagumpisa ang lahat sa Copenhagen St. Nung panahong wala pang Playstation, PSP, Desktop PC or Laptop, DVD, Plasma, friendster, Facebook, Twitter, at baka pati ikaw na kasalukuyang nagbabasa nito. Yun yung mga panahon na ka-initan ng pagpapatalsik kay Marcos, pagbubunyag ng sandamak-mak na sapatos ni Imelda, paglalagay ng yellow na ribbon sa gate o mga puno. Mabibilang pa noon ang mga nakakaalam gumamit ng remote control ng TV o ng Betamax. Ali Mall pa lang ang pinupuntahan namin nun kung saan kami dinadala ng tatay at nanay ko pag linggo. Shindig pa ang tawag sa gimik, yebah! ang yeah!, tsong ang bro, at ermats ang mamita.
Sa kalsada ang tambayan namin noon at hindi sa mga computer shop. Wala pa rin nun ang Starbucks o Figaro kaya nagtiya-tiyaga kami sa tindahan sa kanto. Lumang Volkswagen pa ang kotse namin nun. Ka-inaman lang, umaandar to kahit baha. Multiplex pa ang tawag sa Videoke at higit sa lahat.... nasa primetime pa noon si Kuya Germs!


Childhood friend indeed!..syempre pati si Trex na Bea na ngayon, at Jason..Buti na lang hanggang ngaun, isip-"child" pa rin kami kaya friends pa rin....hanggang tumanda na for sure! Ibang level ang prenchip nmin neto hindi lang kami kundi buong pamilya namin.

Nag-umpisa ito sa bakod na tambayan nun ng mga nanay namin na walang sawang nag-chi-chikahan kahit pa mahulugan sila ng mga cute na cute na mint green na uod na hindi nakakadiri kasi matte ang kutis nya at hindi katulad nung mga kalahi nya na shiny. Dun sila naninirahan s puno na may maninipis na dahon na nasa itaas nung bakod. Tandang-tanda ko pa nga yung medyo-u shape na sanga nun na ewan ko ba 'bat tuwing mag-o-ober da bakod ako e hindi ko maiwasang mag-tarzan sa sobrang pag-ka "ergonomically designed" nya.
Tuwing linggo, mula sa bakod, derecho rin kami sa munting chapel ng Greenpark para mag-simba at habang nagko-koncentrate ang mga nanay namin sa pagdadasal at pag-kanta ng "Ama Namin"(hindi pa nare-remix nun) e pinagpaplanuhan namin kung saan kami mag-uumpisa mamya manghuli ng butete sa dami ng stagnant water sa paligid ng chapel. Hindi pa kasi cementado yun noon.
Sa hapon naman nanonood kami ng pa-liga sa court malapit sa chapel at nag-che-cheer kami habang naglalaro ang mga tatay namin at kami naman nakikipagtagisan ng cheer sa mga anak nung kabilang team na kadalasan mga taga Pulo. Pagkatapos ng laro, manalo o matalo, siguradong meron kaming Chippy na pula (isa pa lang ang kulay ng Chippy nun) at Coke Solo (na-revive na ngayon) galing sa tindahan ni Ate Me, sama mo na dyan yung mang-kepweng na nagiging camera yung plastik pag nilagyan ng tubig at pinaumbok
yung isang side at lapu-lapu na klase ng "chiklet" na tig-dalawa benchinko.
Kung kami ang unang nagka-atari... Sila naman ang unang nagkaron ng karaoke na nung panahon nun e mas malaki, mas mamahalin. Kahit pa magmistulang limangtaong-gulang na bata ang laki ng karaoke nyo,,, basta the bigger, the better. Sila rin ang unang nagkaroon ng sliding na front door na bumubukas kung saan lalabas isa-isa ang mga kasali sa dance number habang nag-pa-praktice para sa munti naming Christmas party na kahit hinati-hating biskwit na "Marie" at Coke lang ang handa, basta ang importante, wag mawawala ang inikot-ikot na crepe paper, ang pulang bumbilya na kinukuha ko sa korteng grapes na chandelier namin sa gilid ng bahay, at higit sa lahat, ang dance number na ilang linggong pinagpa-praktisan.
Sila rin ang mga kalaro ko ng Patintero na umaabot hanggang Kingston St. ang haba kaya pag dating sa dulo ng unang team ayawan na. Tumbang preso na isa ring dahilan ng mga bukol at sugat namin dahil minsan imbes na sa lata, sa muka namin tumatama yung tsinelas. Nag-lalaro rin kami ng agawan base, taguan, at ang paborito naming lahat, ang "War Games" kung saan kalaban namin yung mga batang taga Washington St. Nagbabatuhan kami ng tubig na naka plastic. Yun nga lang, ang hindi nila alam, hinahaluan ni Jaytee ng "ihi" yung tubig. Problema lang nun, medyo may kakapalan pa yung mga plastik kasi hindi tulad ngayon na tinitipid kaya hindi pa madaling mabutas. Minsan tuloy hindi pumuputok kaya ibinabato pabalik samin ng mga kalaban namin kaya sabay-sabay tuloy kaming sumisigaw at tumatakbo papalayo.
Sa hinaba ng kwento kong to,....isa lang ang masisiguro ko....kahit ang buteteng tinutubuan na ng paa, kahit gaano pa sya ka-fulfilling pag nahuli, o kahit ice candy nila mang Percy na ibat-ibang kulay, o baha sa Paris St. na malalim kaya mas masarap liguan, kahit sandamak-mak na benchinko mula sa nanay ni Tonette (kalaro rin namin) pag-nanga-ngaroling kami, o ang bumbilyang sing-laki ng ulo ko na ginagamit pag Christmas party ng mga taga-Copenhagen st., kahit ang moody na alagang unggoy nila Mrs. Pagulayan na parati naming pinagti-tripan, ang mahal na mahal naming butas at nanlilimahid na volleyball na parati naming ginagamit pag- naglalaro kami ng kick-ball, o ang ka-akit akit at nakaka-iindayog na tugtuging "Supersonic" na memorize namin ang lyrics nung mga panahong iyon.....Hindi mapapntayan ang pagkakaibigan namin ng mga to,,,,kahit pa ilang taon na ata ang nakakaraan nung huli kaming nagkita-kita....


Ang susunod ay listahan ng mga ka-tropa namin nung mga panahong yun!
(Paalala: Hindi lahat sankot sa batuhan ng tubig na may "ihi"!)

(mga "native" names nila to, "Om" ang sakin :) )

Trex at Jason (mga kapatid ng pasimuno nito. Si Trex isa sa taga-buhol ng plastic, hindi nya alam na may "ihi")
Jaytee (pinaka magaling mag-basketbol,pinakamabilis kumain ng mais at taga-ihi sa balde)
Jaja (taga-alog namin ng puno, taga-buhol din)
Jaymi (taga pulot ng salagubang na nahuhulog mula sa puno na ina-alog ng ate nya)
Vincent (pinaka matankad at pinaka magaling mag-family computer, isa sa unang naka-100 lives sa Mario Brothers)
Jami (nakatira katabi nila ate Shine na may-ari ng puno ng bayabas na pula yung buto)
Tupe (pinaka-mabilis tumakbo kaya hindi na-tataya pag may takbuhan ang laro)
Orlan (pinaka mabagal tumakbo kaya parating taya at anak ni mang Ben na may-ari ng tindahan na tambayan ng mga taga Copenhagen St. mula tatay hanggang apo)
Orange (may ari ng bakery na Mr. Dough na pinagtalunan namin ang pronunciation kung Mr. Dog, Duff, Doff, Do….…Dow pala!)…
Patrick (masa tapat ng bahay namin)
Alvin (may ari ng inflatable pool kung saan kami nakikiswimming kasi hindi katulad ng nanay ko, pumapayag ang nanay nya na punuin ng tubig yung pool, samin kasi 1/4 lang)
Babet (madalas wala sa sarili na anak nung nasa tapat nila Ate Shine na malakas magpaputok ang tatay pag New Year)
Phoebe (Pinsan nila Trex)
PJ (isa sa pinaka-maliit pero magaling sa habulan)
Chicks (sumali sa sagala na puno ng bulak yung arco tapos pang-apat sa nagsuot nung gown na sinuot ng ate ko nung nakaraang taon----pangatlo sya)
Let-let (kapatid ni Chiks na kulot ang buhok)
Dale, Dino, Dave (magkakapatid na minsan medyo nosebleed pag na-kausap…paslit pa lng kasi ang galing na mag-english)
James (tama ba? sya yung taga-kanto na may stage sa loob ng bahay na mataas yung bewang ng shorts parati)
Tonette (paborito naming mag-caroling sa bahay nila kasi malaki binibigay ng nanay nya)
Michael (may malaking bahay na magaling din sa family computer)
NiƱo (may ari ng bakery sa Kingston St. na may masarap na maliliit na Custard Cake)
Conrad (taga Paris St. na ayaw payagan ng nanay nyang ju-moin samin pag naliligo kami sa baha sa street nila)

Sana wala akong nakalimutan……..Kung meron… Just let me know kulugow!!!:). (---nagkaron rin ako nyan nung bata ako)… :)


Una nang nailathala sa www.tbcandy.blogspot.com.